Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao. Kadalasan ito ay nag-uumpisa sa edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis, isang sakit ng pag-edad.
Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung sobra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng mapuwersa ang iyong tuhod.
Ano ang dapat gawin para maiwasan ang pananakit ng tuhod?
- Huwag mag-buhat ng mabibigat.
- Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan.
- Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat.
- Huwag tumayo o mag-lakad ng matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.
- Palakasin ang masel sa ating hita. May mga ehersisyo para dito.
- Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk (gatas) na may maraming calcium.
Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpa-konsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.
V.L Makabali Memorial Hospital Inc., Your health is our concern.
Tumawag lang sa aming trunkline:
961-2234 , 961-2284, 961-2616, 961-2442
Admitting: 0960-937-0533
Laboratory: 0963-415-3509
HMO: 0939-1682-940
Visit us: OPD Building. B.Mendoza St., Sto.Rosario City of San Fernando, Pampanga