Ang ating utak ang syang sentro ng ating pag-iisip at pagkilos. Ang utak ang syang nagcocommand sa iba’t-ibang parte ng ating katawan kung ano ang dapat nitong gawin.
Ang utak ang syang kadalasang nasisira lalong lalo na sa mga taong nagkakaedad na. Ilang sintomas nito ay ang pagkalimot tulad ng ginagawa nila.
Lahat naman tayo ay magkakaedad pagdating ng panahon, ngunit upang maiwasan ang mga sakit sa utak, mahalaga na matuto tayong alagaan ang mga ito.
Narito ang ilang paraan upang mapangalagaan ang ating utak:
- Iwasan ang stress
- I-ehersisyo ang ating utak – pageehersisyo para sa utak ay ang paglalaro ng mga mind games tulad ng sudoku o crossword kung saan gumagana ang ating utak at tayo ay nag-iisip at ganun din ang simpleng pagbabasa ng libro ay nakatutulong din sa kalusugan ng ating utak.
- Ugaliin ang pageehersisyo ang pageehersisyo ay mabuti para sa ating utak dahil nababawasan ang mga fats sa ating katawan na maaaring bumara sa daluyan ng ating dugo. Ang pagkakaroon ng magandang daluyan ng dugo ay mahalaga upang gumana ng ayos ang ating mga utak.
- Kumain ng tama – Mahalagang iwasan natin ang sobrang cholesterol na maaring magdulot ng sobrang fats na maaring bumara sa daluyan ng ating dugo. Mahalaga din na kumain ng mga pagkaing mayaman sa protein para narin sa pagdevelop ng ating katawan at gayundin ng ating utak.
Lagi lamang pakatatandaan na PREVENTION IS ALWAYS BETTER THAN CURE.
V.L Makabali Memorial Hospital Inc., Your health is our concern.
Tumawag lang sa aming trunkline:
961-2234 , 961-2284, 961-2616, 961-2442
Admitting: 0960-937-0533
Laboratory: 0963-415-3509
HMO: 0939-1682-940
Visit us: OPD Building. B.Mendoza St., Sto.Rosario City of San Fernando, Pampanga