Ang Psoriasis ay isang sakit kung saan mabilis na mabuo ang mga cells sa ibabaw ng balat. Dahil dito, bumubuo at kumakapal ang balat na parang kaliskis, tuyong patse-patse, kulay pula at makati.
Ang mga kaliskis ng psoriasis ay gaya ng makakapal na balakubak at sumisingaw sa ibang parte ng iyong katawan tulad ng tuhod, siko, tadyang at anit.
Ang psoriasis ay hindi nakahahawa. Hindi mo ito maika-kalat sa ibang bahagi ng iyong katawan, o sa ibang tao sa pamamagitan ng paghawak at pagdikit sa iyong balat. Ang mga bagay na maaaring makapagpalala ng psoriasis ay ang impeksyon, pinsala sa balat, gaya ng nakagat ng insekto, stress, malamig na panahon at paninigarilyo.
Kung may senyales ka ng psoriasis, magpatingin sa doktor para sa kumpletong eksaminasyon at gamot.
V.L Makabali Memorial Hospital Inc., Your health is our concern.
Tumawag lang sa aming trunkline:
961-2234 , 961-2284, 961-2616, 961-2442
Admitting: 0960-937-0533
Laboratory: 0963-415-3509
HMO: 0939-1682-940
Visit us: OPD Building. B.Mendoza St., Sto.Rosario City of San Fernando, Pampanga