Paano maiwasan ang heat stroke?

ARTICLES, Conditions & Diseases, HEALTH

Ang heat stroke ay isang kondisyon na nangyayari sa iyong katawan kung nagsimulang mag overheat dahil sa sobrang exposure sa matinding init o pisikal na pagod sa mataas na temperatura. Ito ay sa kadahilanan na ang katawan ng isang tao ay kaya lamang na i-handle ang sobrang init, at sa mataas na temperatura hindi na kaya ng katawan na panatilihin na malamig ito.

Nakamamatay ang heat stroke dahil ang mataas na temperatura ay maaaring makapinsala sa mahahalagang organs, lalo na sa utak. Kaya’t ang katawan ay pinanatili ang sarili sa constant na temperatura. Ang sobrang init o sobrang lamig ay nakaaapekto sa function ng katawan, at parehong mapanganib.

First Aid Tips sa Heat Stroke
1. Ilagay ang isang tao sa malamig na lugar. Kung ikaw ay nasa labas, ipasok sila sa loob
2. Subukan na hubarin ang mga hindi kinakailangan na damit.
3. Siguraduhin na ang damit ay loose at ang hangin ay nakakaikot sa kanyang balat
4. Ipatagilid siya upang ma-expose ang katawan sa dami ng hangin na kinakailangan.
5. Mag-spray ng malamig na tubig sa kanya, at subukan na hanginan sila upang manatiling cool.
6. Nakatutulong din ang ice packs o malamig na towels, ngunit siguraduhin na iwasan ang paglalagay ng ice packs direkta sa balat. 7. Ilagay ito sa kanilang kilikili, leeg, at singit.
8. Kung ang isang tao ay may malay, maaari mo siyang bigyan ng malamig, hindi sobrang lamig na tubig. Ang sobrang malamig na tubig ay nagiging sanhi ng cramps sa tiyan.

Sa pagsunod ng mga hakbang na ito, maaari kang makatulong na maiwasan ang heat stroke na lumala, at potensyal na makatulong na magligtas ng buhay.

Paano mo Maiiwasan ang Heat Stroke?
1. Sa pagtatrabaho sa labas o sa mainit na lugar, siguraduhin na magsuot ng preskong damit.
2. Manatiling hydrated hangga’t maaari.
3. Magsuot ng preskong damit.
4. Subukan na manatili sa lilim o sa malamig na lugar hangga’t maaari.
5. Iwasan na manatili sa lugar na walang maayos na ventilation.
6. Kailangan na iwasan ang mabilis na pagbabago ng temperatura.
7. Kung nakaramdam ka ng kahit na anong sintomas ng heat stroke, siguraduhin na subukan ang mag cool down.

Tandaan, ang heat stroke ay seryosong kondisyon. Hindi ito kailangan na bina-basta lamang, at mas mainam na iwasan ang ma-expose sa sobrang init.

Sa pagsunod sa tips na ito, maaari mong masiguro na ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay ligtas, at wala sa banta na magkaroon ng ganitong kondisyon.

V.L MAKABALI TRUNKLINE: 961-2234 , 961-2284, 961-2616, 961-2442

Visit us: OPD Building. B.Mendoza St., Sto.Rosario City of San Fernando, Pampanga

TOPICS

HEALTH RELATED POSTS